top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga bata ni P-Digong, unang sasampulan ni Vp Leni sa war on drugs

Pabs Hernandez III
Nov 7, 2019
2 min read

LAGOT SINA FAELDON, LAPEÑA AT “DAVAO GROUP” KAY VP LENI—Tinanggap na ni VP Leni Robredo ang alok ni P-Duterte na maging co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) at ayon sa VP, kabilang sa kanyang pananagutin sa batas ay ang mga sangkot sa pagpupuslit ng tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs.

Akala siguro ng Malacañang, hindi tatanggapin ni VP Leni ang alok at ngayong tinanggap na, ang lagot d’yan ay ang mga taong malalapit kay P-Duterte na sina ex-Customs Commissioners Nicanor Faeldon, Isidro Lapeña at ang “Davao Group” kasi sa tema ng statement ni VP ay kabilang sila sa “tatargetin” ng ICAD, boom!

◘◘◘

VP LENI, INILAGLAG NI CONG. ERICE?—Bago tanggapin ni VP Leni ang posisyong co-chairman ng ICAD, nagbigay ng statement si LP Caloocan City Rep. Egay Erice na hindi raw dapat tanggapin ng bise-presidente ang alok ni P-Duterte kasi wala naman daw itong (VP Leni) expertise sa drug enforcement.

Aba, teka, “dilawan” pa ba si Erice o DDS na? Sa tema ng salita nito ay parang inilaglag nito si VP Leni nang sabihing wala raw itong kakayahang labanan ang droga sa bansa, period!

◘◘◘

MAS BAD MOUTH SI DFA SEC. LOCSIN KAYSA KAY P-DUTERTE—Isang babaeng reporter ang nag-report na si DFA Sec. Teddyboy Locsin ang humalili kay P-Duterte sa closing ceremony ng 35th ASEAN Summit at imbes na magpaliwanag ang DFA secretary kung bakit wala ang pangulo, aba, ang ginawa, minura raw nito ang lady journalist.

Dahil d’yan, lumalabas na mas bad pala ang mouth ni Sec. Locsin kaysa kay P-Duterte kasi ang pangulo kapag nagmura, ang minumura nito ay ‘yung mga taong may ginawang mali, pero ang DFA secretary, ang minura nito ay ang babaeng reporter na nagbalita lang ng totoong kaganapan sa ASEAN Summit, boom!

◘◘◘

“TATA DELO” NA ILLEGAL GAMBLING PROTECTOR, MAYAYARI KAY “YORME” —Ipinagbawal ni Mayor Isko Moreno ang lahat ng illegal gambling sa Maynila, pero itong isang alyas “Tata Delo” na nagpapakilalang tauhan ni newly-appointed MPD Director, Gen. Bernabe Balba, sinabihan na raw sina Bookies King “Boy Abang” at Lotteng King “Don Ramon” na i-operate na ang kanilang mga raket sa lungsod.

Sa lahat ng ayaw ni Mayor Isko, ‘yung may kumukunsinte sa illegal gambling kaya asahan nang may paglalagyan kay “yorme” si “Tata Delo”, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page