top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Malatan-Og falls, para, browing para sa dehadista

  • Ding Taboy
  • Nov 7, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayong gabi ang pitong karera na kasabay magaganap ang carry over sa Super Six sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.

Lalahukan ng Condition Race, Group Race at 2 Year Old Maiden Race sa pitong karera na maglalaban.

Kasabay nito hahataw ang Winner Take All WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 bukod pa ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Magsisimula ang WTA sa pag-alagwa ng Race 1 na paglalabanan ng mga kalahok na Malatan Og Falls, Cat’s Day at Victory Dance.

Sa Race 2 magsisimula ang Pick 6 at maglalaban sa 2 Year Old Maiden Race ang mga kalahok na Wild Dance, Kindred Soul, Fortress at Tumalog Falls.

Sa Race 3,kasabay ng pagsisimula ng Pick 5 nakalalamang ang Alfie laban sa Gintong Lawin, Raxa Bago at Summer Cruise.

Gaganapin ang Pick 4 sa Race 4 nakalalamang ang Marahuyo kontra sa Double Rock at Sabtang Island.

Sa Race 5, nakalalamang ang Oasis laban sa mga katunggaling Sizzling Hot, Jade Master at Glitter Face.

Sa Race 6, maglalaban-laban ang mga kalahok na Cleave Ridge, Honeywersmypants,at couple entry na Eyeshot at Bossa Nova.

Nakalalamang ang Laughing Tiger, at makakalaban ang couple entry na Batas Kamao at Bullish Desire, isama sa mga paratingan ng super six ang Girl on Fire, Ever Seen the Rain, Classy Babe at Oh Lala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page