Hukom niratrat, utas
Jeff Tumbado
Nov 7, 2019
1 min read

Dead-on-arrival sa ospital ang isang hukom ng Regional Trial Court makaraang pagbabarilin sa La Union, kamakalawa.
Pauwi na ang biktimang si Judge Mario Anacleto Banez, 54, nang lapitan at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek ang sasakyan nito sa Bgy. Mameltac, San Fernando City.
Agad na dinala sa Lorma Hospital si Banez ngunit, pumanaw din.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek habang sinisiyasat na ang motibo at nasa likod ng pagpatay.





Comments