top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Drug war challenge, tinanggap na.. Handa na ba kayo? — VP Leni

  • Mylene Alfonso
  • Nov 7, 2019
  • 1 min read

Pormal nang tinanggap ni Vice-President Leni Robredo ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

“Ang pinakamahalagang konsiderasyon para sa akin ay simple lang: Kung ito ang pagkakataon para matigil ang patayan ng mga inosente at mapanagot ang kailangan managot, papasanin ko ito kaya tinatanggap ko ang trabahong ibinibigay sa akin ng pangulo,” ani Robredo.

Bagama’t, hindi sigurado ang Pangalawang-pangulo kung pamomolitika ang alok ni Duterte ay isa lang naman umano ang sigurado sa kanyang desisyon.

Sa huli, nagbabala ang Bise-presidente kung handa ba ang administrasyon para sa kanya.

“Tinatanong nila ako kung handa ba ako para sa trabahong ito. Ang tanong ko, handa ba kayo para sa akin?” tanong ni Robredo.

“Mr. President, dalawa’t kalahating taon na lang ang naiiwan sa iyong administrasyon. Hindi pa naman huli ang lahat, puwede pa rin nating pagtulungan ito,” dagdag pa ng Bise-presidente.

Matatandaang, kamakalawa nang ilabas ng Palasyo ang memorandum na nagtatalaga kay Robredo bilang co-chairperson ng ICAD.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page