top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Skateboarder Didal, may tsansa sa slot ng Olympics

  • Gerard Arce
  • Nov 6, 2019
  • 2 min read

Photo: @margielyndidal

Muling nakabangon si Pinay Skateboarder Margielyn Didal sa pandaigdigang kompetisyon nang maiuwi nito ang dalawang parangal sa Estados Unidos.

Kinuha ng 20-anyos na Cebuana skater ang titulo sa Exposure ng All Women’s Skateboarding Championships sa Huntington Beach at ang Ladies Day at the Berrics sa Los Angeles sa California. Nakalikom ng premyong $15,000 ang Pinay skateboarding artists na susubukang makakuha ulit ng puwesto sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsali nito sa Olympic qualifying sa Rio de Janeiro sa Brazil.

Matatandaang nalaglag ang 2018 Asian Games gold medalist skater sa kanyang kampanya sa 2019 SLS World Street Skateboarding Championships sa Sao Paulo sa Brazil matapos mabigo itong makapasok sa top-8 finishers ng Super Crown Finals ng women’s skateboarding semifinal event. Lumapag lang sa pang-15th puwesto sa 23 entries ang Cebuana skateboarding sensation nang umiskor lang ito ng 10.4 sa kanyang mga tricks.

Kinakailangang mas mapataas pa ni Didal ang kanyang posisyon at puntos sa world ranking matapos itong bumaba mula sa ika-10th hanggang sa ika-13th place na lamang sa inilabas ng World Skate para sa Olympic World Skateboarding Ranking (OWSR) para sa street women’s division nitong Setyembre, na nanatili pang buhay ang tsansa nitong makakuha ng slot para sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa ngayon ay pasok pa sa top-20 si Didal sa women’s Park at street events, kung saan ang top-3 rito ay awtomatikong kuwalipikado na habang ang nalalabing 16 ay daraan sa qualifying round ng OWSR, samantalang ang host country na Japan, ay mabibigyan ng pagkakataon na mailagay sa mataas na ranking sa bawat event.

Ang qualification system ay ibinabase sa World Skateboarding Rankings na minamantina ng World Skate kung saan kinakailangan ng isang skateboarder na makalikom ng puntos sa pagsali sa lahat ng sanctioned events ng World Skate sa kasagsagan ng Olympic qualifying period mula Enero 1, 2019 hanggang May 31, 2020.

Gayunman, malaki ang tsansa ni Didal na makakamit nito ang gintong medalya sa 30th edisyon ng Southeast Asian Games na magbubukas ang event simula Disyembre 3-8 sa Tagaytay sa Cavite.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page