top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PSL Sparkle, binugbog ng Japan

MC / VA
Nov 6, 2019
1 min read

Dinaan sa bilis ng Tsukuba Japan ang laro laban sa PSL Sparkle sa bisa ng tatlong straights sets na pagtilad sa team Pilipinas, 25-8, 25-12 at 25-20 sa Philippine Superliga (PSL) Super Cup kagabi sa Filoil Flying V Centre Arena sa San Juan.

Pinalakas ni Marina Takahashi ng Tsukuba ang laro sa kanyang 9 attacks habang nagawa pang nakalamang sana ng PSL sa kaagahan ng 3rd set, pero pumatas na sa 12-12 at humabol na hanggang dulo ng laro ang Japan.

Sa iba pang laban, nakapagpalakas na ng kanilang masel ang national women’s volleyball team para sa panalong 25-14, 25-18, 25-16 kontra sa PSL Shine team. Hindi man lumaro sina Alyssa Valdez at Jia Morado, nang ilabas ng Nationals ang balanseng atake at irehistro ang magandang laro sa pocket tournament na nagsilbing warm-up nila para sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nob. 30-Dis. 11.

Tumapos si Mylene Paat ng 8 puntos habang si Ces Molina at Majoy Baron ay may tig-7 puntos para sa Nationals sa tulong din ng middle blocker na si Maddie Madayag.

”Of course we’re happy with the win but we’re still a work in progress,” ayon kay national team coach Shaq Delos Santos. “We want to keep on improving and we have to work hard for it.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page