top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pastor Quiboloy, gawing drug Czar para 'stop na' ang droga!

  • Ka Ambo
  • Nov 6, 2019
  • 1 min read

Tinitiktikan daw ang mga komunista sa Metro Manila.

Dati na ‘yan!

◘◘◘

ITINALAGA si VP Leni bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drug Task Force.

Subukan natin ang kanyang “balls”!

◘◘◘

BIGLANG nakita ng mga Pinoy ang galing ni Super GM Wesley So.

Kung kailan isa na siyang US citizen!

◘◘◘

IPINATATALAGANG drug czar si Pastor Apollo Quiboloy.

Para raw ang mga adik ay ma-‘stop’ na!

◘◘◘

IPAGPAPALIBAN ang barangay election na mula Mayo 2020 ay magiging December 2022 ito.

Wala talaga silang magawang mabuti!

◘◘◘

WALA pa ring desis­yon ang Korte Suprema sa VP election protest.

He-he-he!

◘◘◘

IDINIIN ng mga senador si ex-PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.

Isang mapait na kapalaran!

◘◘◘

BINASTED ng India ang “ASEAN-Plus 6” trade deal.

Gusto nila ay puro 5-6 lang!

◘◘◘

MAY ulat na nalalason ang mga bakwit sa Cota­bato dahil sa kontamina­dong pagkain.

Kailangan ang tu­long ni Darna!

◘◘◘

DAPAT may pagha­handa ang Metro Manila sakaling tamaan ito ng Magnitude 7 na lindol o higit pa.

Dahil hindi ito nape-predict, dapat araw-araw ang preparasyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page