top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagbalik na pagbalik ng 'Pinas, Marjorie… Gretchen, nakipag-dinner agad sa madir at kay Claudin

  • Ador Saluta
  • Nov 6, 2019
  • 2 min read

Photo: @claubarretto

Kadarating lang ni Gretchen Barretto mula sa bakasyon sa Amerika sa piling ng anak na si Dominique Cojuangco na nakabase na sa US. Sa kanyang pagbabalik, muli yatang mag­kakaroon ng mga panibagong isyu sa pagitan ng mga Barretto sisters pagkatapos ng kon­trobersiyal na bangayan nila sa mismong la­may ng amang si Miguel Barretto kung saan naging saksi pa nga ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang-una’y ang muling pakiki­pag­kita ni Gretchen Barretto sa ina niyang si Inday halos tatlong linggo mula nang mag­kaayos sila.

Kasama ni Gretchen ang bunsong kapatid na si Claudine nang makipag-dinner sa kanilang Mommy Inday sa Makati. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Claudine ay consistent na malapit sa kanilang ina.

Magkakasama silang kumain sa restaurant sa isang high-end mall sa Makati City nu’ng Lunes ng hapon (November 5).

“A beautiful afternoon with Mom, Tita Cherry & my Ate,” saad ni Claudine sa ibinahagi niyang Instagram post.

Huling nagkita sina Gretchen at Mommy Inday sa isang lunch date noong October 19. Naroon din ang mga kapatid ni Gretchen na sina Claudine at Jay-Jay.

Sa isa pang Instagram post ni Claudine nitong Lunes (November 4), naka-tag sa caption ang diumano’y tatlong Instagram accounts ni Mommy Inday, kabilang ang @barretto­estrel­la, @barrettoestrellass at @estrellabar­retto.

“Yes she has lots of accounts po,” dagdag ni Claudine.

Tila ang kumpirmasyong ito ni Clau­dine ay may kaugnayan sa viral video na sangkot ang kapatid niyang si Marjorie Barretto na sinasabing “baka masapak” niya ang kaalitang si “Inday.”

Isang netizen ang nakakuha ng kopya ng video mula sa Instagram ni Gretchen, pero burado na ito ngayon sa Instagram feed ng socialite-actress.

Sina Marjorie at Claudine pa lang ang nagsagutan tungkol sa naturang controversial video kung saan hinamon ng una ang nakababatang kapatid na patunayan sa korte ang akusasyong gusto niyang saktan ang kanilang ina, samantalang naglabas naman ang bunsong Barretto ng statement ng kanilang ina na kumukumpirmang siya ang ‘Inday’ na tinutukoy ni Marjorie sa video.

Balik-bansa na si Gretchen pero wala pa itong reaksiyon tungkol sa video na lumabas kaya inaabangan ng marami kung ano namang ‘take’ ng aktres sa po­sibleng maging panibagong dahilan ng gulo ng magkakapatid.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page