Lupang sinasaka na ibinigay na ng Gobyerno, puwede nang isanla
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Nov 6, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Mayroon kaming agricultural land sa aming bayan na nakarehistro bilang agricultural free patent. Nais kong malaman kung mayroon pa itong restrictions sapagkat nais ko itong isanla sa bangko? — Zeny
Dear Zeny, Ang batas na sumasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Sections 3 at 4 ng Republic Act (R.A.) No. 11231 o mas kilala bilang “Agricultural Free Patent Reform Act” kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
“Section 3. Agricultural public lands alienated or disposed in favor of qualified public land applicants under Section 44 of Commonwealth Act No. 141, as amended, shall not be subject to restrictions imposed under Sections 118, 119 and 121 thereof regarding acquisitions, encumbrances, conveyances, transfers, or dispositions. Agricultural free patent shall now be considered as title in fee simple and shall not be subject to any restriction on encumbrance or alienation.”
“Section 4. This Act shall have retroactive effect and any restriction regarding acquisitions, encumbrances, conveyances, transfers, or dispositions imposed on agricultural free patents issued under Section 44 of Commonwealth Act No. 141, as amended, before the effectivity of this Act shall be removed and are hereby immediately lifted: Provided, That nothing in this Act shall affect the right of redemption under Section 119 of Commonwealth Act No. 141, as amended, for transactions made in good faith prior to the effectivity of this Act” (Binigyang-diin).
Malinaw sa mga nabanggit na tinatanggal na ang alinmang restrictions na nakasaad sa Commonwealth Act No. 141 as amended kaugnay sa encumbrance at alienation ng Agricultural Free Patent. Kaugnay nito, sa inyong sitwasyon, maaari mong maisanla ang inyong agricultural land na nakapaloob sa agricultural free patent sa bangko sapagkat natanggal na ang mga pagbabawal kaugnay sa pagsasanla nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments