Lolo dinukot at tinodas ng mga armado
Isabela—Isang 63-anyos na lolo ang dinukot at pinatay ng apat na hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Ballacayu, San Pablo.
Kinilala ang biktima na si Nehemias Beran, nakatira sa nabanggit na barangay.
Batay sa imbestigasyon, pinasok ng apat na suspek ang bahay ni Beran at saka kinaladkad palabas ang biktima at isinakay sa puting van.
Nabatid na makalipas ang mahigit isang oras ay natagpuan na sa gilid ng kalsada ang duguang bangkay ni Beran na may mga tama ng bala.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments