top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dilawan lang sa Mindanao ang gustong tumanggap ng tulong.. VP Leni, napapahamak dahil sa sablay na P

  • Bobi Tiglao
  • Nov 6, 2019
  • 2 min read

Hindi pa rin tumitigil si Yoly Villanueva-Ong, ang PR operator ni VP Leni Robredo, sa kanyang pang-iinsulto sa mga taga-Mindanao at iba pang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapos nitong sabihing lalamunin na ng lupa ang mga taga-Mindanao, heto na naman ang isa sa mga latest tweet niya noong Nov. 3, “The Mindanaoans who are not DDS need all the help and prayers. Choose the relief orgs that you can trust not to steal your contribution. Bangon mabubuting tao ng Mindanao.”

Ibig bang sabihin ni Ong, dapat piliin lang ang dapat tulungan? Kumbaga, kapag tagasuporta ni Pangulong Duterte, walang karapatang makatanggap ng tulong kahit pa lahat sila ay pare-parehong hindi ginusto na maging biktima ng lindol?

Bakit kailangang ihalo ang politika sa panahon ng trahedya? At bakit kailangang piliin ang tutulungan? Gusto ba ni Ong, sa dilawan lang mapupunta ang mga tubig, bigas at iba pang tulong na dumarating sa Mindanao?

Naalala tuloy natin noong hinagupit ng Bagyong Yolanda ang Tacloban City. Maraming ulat na lumabas noon na ang relief packages na ipinadala ay sa dilawang grupo lang daw napunta.

Ang masaklap, imbes na ipamahagi sa iba pang naapektuhan ng kalamidad ay nasira at nabulok lang ang mga pagkain sa warehouse. Ganito rin siguro ang gustong mangyari ni Ong. Alam ba ni VP Leni na ang sama ng pag-uugali ng PR niya?

Siguradong bumaba ang tingin ng mamamayan kay VP Leni dahil sa pagkabit sa pangalan niya ng naiiskandalong si Ong.

Pati ang mga kaibigan at kaalyado ni Ong, gusto na siyang patigilin sa kanyang pang-iinsulto sa mga taga-Mindanao — tagasuporta man ang mga ito ng pangulo o hindi.

Alam ba nilang bawat masamang bulatlat ng mga salita mula sa bibig ni Ong ay libu-libong boto ang nawawala sa dilawan, partikular sa kanilang VP? Sabi ni Noemi L. Dado, kilalang dilawan, “Tao po ... everyone needs help. Stop politicising the #earthquakePH disaster.” Akala ba ninyo ay susunod si Ong sa inyo? Aba, masyado siyang sikat! Isa siya sa mga founder ng Campaigns & Grey, tanyag na PR at advertising agency na ngayon ay adviser pa ng dilawan.

Sinuportahan ni dating Sen. JV Ejercito si Dado para sa pagbisto sa masamang ugali ni Ong. Ayon sa kanya, “It’s painful to read tweets or posts that put political color or angle regarding the calamity, much more insult the people of Mindanao and make use of the recent quakes to attack. So insensitive.”

Sa kabilang banda, ayon sa Campaigns & Grey, hindi na raw aktibo si Ong sa kanilang operasyon. Retirado na raw ito sa naturang advertising agency noon pang July 2014.

Kung ganu’n, bakit sa profile ni “Ma. Yolanda V. Ong” sa website ng Ateneo de Manila University, nakalagay na siya ay “current Group Chairperson of Campaigns and Grey and six affiliate companies”? Outdated ba ang pamunuan ng AdMU?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page