top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dalaw na bebot, kulong.. Shabu sa hotsilog, buking

  • Jeff Tumbado
  • Nov 6, 2019
  • 1 min read

Kalaboso ang 27-anyos na babaeng dalaw sa piitan matapos ang tangkang pagpupuslit ng ilang sachets ng shabu na itinago sa styrofoam na naglalaman ng hotsilog sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi akalain ng suspek na si Camie Olaguer, residente ng Bgy. Gulod, Novaliches, na siya ay mabubulilyaso sa tangkang pagpasok ng kontrabando sa kulungan ng Fairview Police Station.

Nakapailalim sa fried rice, hotdog at itlog ang ilang piraso ng sachets ng shabu.

Ani Police Lt. Rosendo Magsipoc, nadiskubre ang modus ni Olaguer nang hindi sinasadyang buksan ng jail- guard nang pabaligtad ang styrofoam ng hotsilog.

Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang ilegal na droga at napag-utusan lamang umano siya ng kaanak ng kaibigan.

Isang linggo nang nakakulong ang kaibigan ng suspek dahil din sa kaso ng ilegal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page