top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Vendors out, undas 2019 malinis at payapa

Isko Moreno
Nov 5, 2019
1 min read

Mapayapa, ligtas at maayos ang nakalipas na Undas sa Lungsod ng Maynila at nais nating pasalamatan sina Manila North Cemetery Director Yayay Castañeda, Director Arnel Angels ng MDRRC, Director Alex Layus ng Manila Youth Bureau, anG DPS at pati na rin ang City Engineering Office sa magandang paghahanda at pagsasaayos sa Manila North at South Cemeteries.

Malaking bagay ang tulong ng Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), siyempre, higit sa lahat ang mga Manilenyo na sumunod sa mga patakaran at naglinis at nagtapon ng kanilang mga basura kaya nakita nating kinaumagahan ay malinis na agad ang mga sementeryo kumpara noong mga nakaraang taon.

Pasensiya na sa mga vendors at tindahan o restoran na hindi nabigyan ng pahintulot na magtinda sa loob at harap ng sementeryo. Tutal naman ay dekada na ninyong napakinabangan ‘yan, hindi naman siguro masamang hayaan na muna nating maging maluwag, malinis at maayos ang harapan at looban ng sementeryo upang maging komportable ang ating mga kababayan na dumadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Pipilitin nating mapanatili ang ganitong sistema taun-taon at siyempre, susubukan din nating mabigyan ng alternatibo ang mga maaapektuhang vendors at mangangalakal.

Kakayanin natin ito kapag tulung-tulong tayo at magkakaisa sa ating mga adhikain. Sana ay hindi ito matapos dito at magpatuloy pa.

Maraming salamat sa tulong, kooperasyon at pang-unawa ninyo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page