top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PNP official at kabit, huli sa akto ni misis sa loob ng headquarters, batambatang bebot, pinagsasabu

  • Pasaway Spotted
  • Nov 5, 2019
  • 3 min read

Jeff Tumbado / Pasaway Spotted

Sa ngalan ng patas na pamamahayag, nais nating bigyang-daan ang ipinaabot na sagot sa atin ni ‘Ate Opisyal’ ng Bureau of Customs sa probinsiya sa parteng norte kaugnay sa serye na nailathala natin bilang pagpuna sa korupsiyon sa kanyang ahensiya tungkol sa kada Biyernes na ‘tara’ na umaabot sa P2 bilyon.

Unang-una niyang nilinaw, wala umanong nangyayaring ‘tara system’ sa kanyang ahensiya at kung meron daw ay hindi niya makukuha o malalagpasan ang collection target na P24.7 bilyon kung saan nakakolekta ang ahensiya nito ng tumataginting na P26.9 bilyon. Ibig sabihin, kumita pa sila ng aktuwal na P2.2 bilyon bago pa man matapos ang kasalukuyang taon.

Sabi pa ni ‘Ate Opisyal’, hindi raw niya ibinulsa ang kita ng kanilang koleksiyon kundi idiniretso ito sa kaban ng bayan na ang accomplishments nila ay “proudly” reported na sa kanilang big boss na si Customs Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

Isa lamang daw itong paninira laban sa kanya ng mga taong nais siyang gibain dahil sa kanyang istriktang pamamalakad sa ahensiya bilang kolektor, partikular umano sa sindikato ng mga smugglers sa Freeport Zone.

Siguro, ang nakaaalam lamang kung sino ang nasa likod ng “da moves” para ikaw ay gibain ay walang iba kundi ang nagngangalang ‘Atorni Bilog’, na sinasabing hugis-bilog ang palagi nitong bitbit na shoulder bag tuwing Biyernes.

Sino kaya ang mga nasa likod ng “da moves” na ito na sinusubukang wasakin ang kredibilidad at personalidad ni ‘Ate Opisyal’? ‘Yan ang bulong sa atin ng haliparot na bubuyog na alaga ni Mang Kanor.

Well, ‘Ate Opisyal’, I take your word for it. Magkagayunman ay patuloy na magmamatyag sa naturang ahensiya si Mang Kanor kasama ang espiyang haliparot na bubuyog sa anumang mga kaganapan sa inyong ahensiya, lalo na sa mga taong gustong sumulot sa posisyon ninyo at sa labis na nagpapayaman gamit ang iyong pangalan.

◘◘◘

Spotted na pasaway itong PNP official ng Drug Enforcement Group (DEG) na nasa pagitan ng Region 3 at Region 4A.

Isipin mo, bulong ni Mang Kanor, kamakailan lamang ay may naganap na iskandalo sa regional office headquarters sa mismong quarters ni Sir Chief?

Akalain mo naman, sa sobrang tulis ng pulis na ito (talagang tumitindig ang temang ‘basta pulis, matulis’) ay nagawa niyang dalhin ang “witwiw” na kulasisi sa mismong quarters nito at booommm… natiyempuhan ni kumander ang dalawa sa loob ng kuwarto!

Tsismis sa atin ng haliparot na bubuyog ay parang tigre na sinugod ni kumander ang kulasisi ni Sir Chief at katakut-takot na sabunot at kalmot ang inabot ni Babe.

Wala raw nagawa si Sir Chief kundi paalisin na lamang sa tanggapan nito ang kulasisi na talaga namang seksi at batambata saka pinakalma si kumander.

Iskandalong tunay ang naging senaryo sa paligid at loob ng quarters ni Sir Chief dahil nasaksihan ng mga staff nito, bisita at iba pang dumadagsang utaw sa nabanggit na tanggapan.

At para kumalma, dahil na rin sa sobrang “thoughtful” ni Sir Chief ay inabutan na lamang nito ng pang-mega shopping si kumander at ‘yun, balik-normal na ulit ang takbo ng kanilang relasyon. He-he-he!

Ibinulong din ni Mang Kanor base na rin sa tsismis ng haliparot na bubuyog na may apat na bagong SUV si Sir Chief dahil sa tapyas nito sa mga kinikitang pagre-recycle ng nahuhuling milyones na halaga ng shabu.

Pasaway ka, Sir Chief!

◘◘◘

Nakikiramay ang Pasaway Spotted sa mga naulilang mahal sa buhay ng mga sinawim-palad sa nangyaring sunud-sunod na paglindol sa bahagi ng Mindanao, kung saan ginawa pang katawa-tawa ng isang pastor ang trahedya.

Biruin mo, ipinahinto raw niya ang lindol sa pagsasabing, “lindol stop!” habang nakatingin sa kisame at nakaturo sa kawalan.

Magpasalamat daw tayong lahat sa kanya dahil kung hindi niya pinatigil ang lindol ay baka raw mas marami pang mamatay. Grabe, ang lakas ng tama!

Para sa sumbong, i-text o itawag lamang ito sa 09171361211/09982606938 o mag-email sa jefftombado.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page