top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-CR, ‘di umabot.. P-Digong, out sa ASEAN family photo

  • Mylene Alfonso
  • Nov 5, 2019
  • 1 min read

Photo: pcoo.gov.ph

Nilinaw ng Malacañang na nasa maayos ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng bigong pagkakasama nito sa family photo ng 22nd ASEAN Plus Three Summit.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung saan si Foreign Affairs Assistant Sec. Junever Mahilum-West ang kumatawan sa pangulo dahil bahagya itong nahuli ng dating para sa photo opportunity.

Wala naman aniyang dapat ipag-alala ang publiko at wala pa ring pagbabago sa iskedyul ng pangulo.

Ayon kay Panelo, nahuli ng ilang minuto ang pangulo dahil dumaan muna ito sa restroom.

Nabatid na dumating ng alas-8:53 ng umaga ang pangulo para sa nasabing photo session na ginanap ng alas-8:30 ng umaga.

Nakadalo pa rin ang Chief Executive sa morning session para sa huling araw ng summit. Kaugnay nito, dumalo pa rin ang pangulo sa mga kaganapan para sa 35th ASEAN Summit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page