Miami Heat, sinunog ang Rockets sa 46 pts.

Malupet na 46 puntos agad ang pinaapoy ng Miami Heat sa unang quarter pa lamang upang sunugin ang Houston Rockets 129-100 kahapon sa NBA Miami game.
Namuno na agad ang Heat sa first half. Ang 5-1 kartada start ng Miami ang kanilang best season na kung saan huli silang nakasungkit ng NBA title noong 2012-2013 season. May kinamadang 18 puntos si Jimmy Butler ng Miami, 9 assists, 7 rebounds at 4 steals. Nakapagkamada rin ang Heat ng 23 puntos mula kina Duncan Robinson at 21 puntos kay Meyers Leonard. Bumanat si Robinson ng career-high na pitong tres puntos.
Ito rin ang best performance ngayong season ni Leonard na kinuha mula sa Portland Trail Blazers noong Hulyo. Si forward James Johnson na hindi nakapaglaro ng unang 6 na games sa Miami dahil na rin sa kulang sa conditioning, ay umiskor ng 17 points sa loob ng 22 minuto.
Nasayang naman ang 29 puntos ni Rockets shooting guard James Harden, sa loob ng 26 minuto. Nalimitahan lamang si Houston point guard Russell Westbrook ang eight-time All-Star at NBA’s MVP noong 2017 sa 10 points. May 26 na minuto lang naglaro si Westbrook. Sa katunayan, nag-iisang tres lang ang naisalpak niya bago ang third-quarter buzzer.





Comments