top of page
Pokwang.jpg

Mga pekeng nagso-solicit para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao, nagkalat!

Jun R. Guillermo
Nov 5, 2019
1 min read

Nagbigay ng babala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ayon sa kanilang intelligence report, may mga pekeng solicitor daw ang umiikut-ikot sa Kalakhang Maynila. Nanghihingi ang mga demonyong kawatan ng donasyon bitbit ang kanilang mga ‘solicitation paper’ para umano sa mga biktima ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Diyos na mahabaging langit, pati ba naman ang mga paglindol sa Mindanao, pinagkakaperahan pa ng mga hinayupak na ito?! Tsk!

Ayon sa nakausap nating mga alagad ng batas, lumang estilo na ang ganitong raket o modus kaya sa pamamagitan ng ating kolum ay kanilang ibinabahagi sa taumbayan ang kanilang nakalap na intel report para maging handa at makaiwas sa ganitong modus ng mga halang ang kaluluwa.

Dagdag pang babala, dalawa hanggang tatlong kalalakihan umano ang lalapit sa (mga) biktima na ang isa ay nagsisilbing lookout sakaling may pumalag sa kanilang pamboboladas na ang linyahan ay “para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.” Pwe!

Ang matindi, nagpapakilala pa ang mga suspek na sila ay mga taga-Simbahan kuno para lang mapaniwala ang mga biktima. Pwe ulit!

Mga ka-BULGAR, sakaling maligaw sa inyong lugar ang mga ganitong klase ng tao, ‘wag na kayong magpaliguy-ligoy pa, agad kayong makipag-ugnayan sa inyong barangay na siyang tatawag sa kapulisan para mahuli ang mga suspek na nanghihingi ng donasyon kuno at nagmamanman sa inyong mahahalagang gamit.

Ang mga linsiyak, mga kawatan din pala!

Ikaw kaibigan, ano ang sey mo?

Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Mas ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page