Longganisa at hotdog.. Mekeni, positive sa ASF — DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang produkto ng meat processor na Mekeni Food Corp.
Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) officer-in-charge Ronnie Domingo, natukoy sa mga sample ng skinless longganisa at picnic hotdog ang ASF.
Galing ang sample sa mga processed meat product na bitbit ng isang ginang na hinarang sa Port of Calapan at mula rin sa processing plant ng kumpanya.
“The Department of Agriculture and the Department of Health is organizing a composite team to do further investigations related to this issue,” ani Domingo.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na hindi pa nila tukoy sa ngayon kung saan nanggaling ang baboy na ginamit sa pagproseso ng mga produkto ng Mekeni.
Nauna nang bumisita ang Food and Drug Administration (FDA) sa pabrika ng Mekeni upang tignan kung nakatutugon sa mga pamantayan ng gobyerno ang pasilidad nito.
“When we went to the factory, parang kumpleto naman sila ng documents pero obviously, there’s something wrong,” ayon kay Health Undersecretary at FDA officer-in-charge Eric Domingo.
“Kung saan kinuha ni Mekeni ‘yung raw materials, ‘yun ‘yung susunod na parte ng investigation,” dagdag pa nito.





Comments