top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kung kelan daw tumanda, saka nagbuyangyang… Sigaw ng madlang pipol: Boobs ni Sheryl, peke na, 'd

Beth Gelena
Nov 5, 2019
2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Minsan lang nag-post si Sheryl Cruz sa kanyang socmed account ng kanyang sexy photo ay na-bash pa siya. Ang nasabing picture ay para umano sa sexy momma topic ng isang magazine.

Sabi ng basher, “Kung kelan pa tumanda…”

Sagot ni Sheryl, “Yes… May problem po ba?”

“Yah there’s a problem... your boobies, mukhang fake... Photoshopped? Why?”

Sa ibinahagi kasing larawan ng Kapuso actress, kung saan nakasuot ng nighties si Sheryl habang nakaluhod sa kama, lutang na lutang ang kanyang malulusog na dibdib.

Maraming netizens ang nakapansin dito at ang tanong, “Natural or vulcanized?”

“Lumaki nga ang dibdib niya. Ang laki ng agwat, ha? Hindi naman ganyan dati. Or ‘di kaya OA sa Photoshop?“

May mga nagsasabi namang, “Natural ones won’t be that round or high up without any support.”

Ayaw namang maniwala ng iba, may push-up support daw si Sheryl.

“Agree. Wala namang masama sa plastic surgery but just be honest about it.”

May nakapansin ding hindi pantay ang boobs ng actress.

“If zoom into the photo, you’ll see that there is a bump on her left breast.”

May nagkomento naman na “Sexy at ganda niya. Mukha siyang early 30’s pa lang.”

Eto ang the height, kaya raw nagpapa-sexy ngayon si Sheryl ay dahil sa kapareha niya sa isang teleserye ng GMA-7 na si Jeric Gonzales.

Ani ng netizen, “Ikaw ba naman ang mai-partner kay Jeric Gonzales na super hot. Eh, di sabayan mo na ang kaseksihan ng leading man mo. Ok lang ‘yan, Sheryl.’

“Si Jeric Gonzales ang reason, ‘di ba, She?” kan­tiyaw pa ng isa.

Eto naman ang obserbasyon ng isang guy, “We boys actually love it. ‘Iba’ kasi ang sexiness ng mature woman talaga lalo if maayos and neat looking pa (not madam­bauring type). Grrrrr.”

Ibig sabihin, may asim pa rin si Sheryl sa mga kabataang guys.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page