Impormasyong nakuha ng psychologist sa kliyente, bawal gamiting ebidensiya
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Nov 5, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Maaari bang gamiting ebidensiya ang impormasyon o komunikasyon na nakuha ng psychologist habang sinusuri ang kanyang mga kliyente kahit hindi sila nagbigay ng permiso? — Angelique
Dear Angelique, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 30, Article VII, ng Republic Act No. 10029 o mas kilala sa tawag na “Philippine Psychology Act of 2009” at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito kung saan nakasaad na hindi maaaring gamiting ebidensiya sa anumang layunin at anumang paglilitis ang impormasyon o komunikasyon na nakuha ng psychologist habang sinusuri ang kanyang mga kliyente kung walang pahintulot ng huli. Maliwanag na sinabi rito na:
“Sec. 28. Right to Privilege Communication for Psychologists and Psychometricians. – A psychologist or psychometrician cannot, without the consent of the client/patient, be examined on any communication or information disclosed and/or acquired in the course of giving psychological services to such client. The protection accorded herein shall extend to all pertinent records and shall be available to the secretary, clerk or other staff of the licensed psychologist or psychometrician. Any evidence obtained in violation of this provision shall be inadmissible for any purpose in any proceeding.” (Binigyang-diin)
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments