top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gobyerno, walang sistema sa pagsaklolo sa Mindanao

  • Ka Ambo
  • Nov 5, 2019
  • 1 min read

Ipinaalala ng Philvolcs, hindi raw nape-predict ang lindol.

Pero hindi nila nilinaw kung puwede itong mapigil ni Pastor Apollo Quiboloy!

◘◘◘

NAGKAMPEON si Super GM Wesley So sa Random Chess World Championship.

Yebaaa!

◘◘◘

ISA nang U.S. citizen si Wesley pero patuloy siyang naghahandog ng karangalan sa mga Pinoy.

Pikit-matang nag-U.S. citizen si Wesley dahil sa mga korup na sports officials sa ‘Pinas!

◘◘◘

ANO ang random chess?

Ito ay estilo ng paglalaro ng chess kung saan nag-uumpisa ang laro sa middle game imbes na sa tradisyunal na opening position!

◘◘◘

INIMBENTO ang random chess ni dating World Chess Champion Bobby Fischer ng U.S. katuwang si Asian First Grandmaster Eugene Torre.

Nabuburyong sina Fischer at Torre sa traditional chess sa opening position dahil kinakabisado ng mga players ang “moves” mula simula hanggang sa matapos.

Dahil d’yan, marami ang naburyong sa tradisyunal na opening position!

◘◘◘

KAPAG ang laro ay nagsimula sa middle game, milyun-milyon agad ang kombinasyon at kumplikadong posisyon sa chess.

Maiiwasan ang pagiging kabisote at masusukat ang husay at galing ng mga manlalaro!

◘◘◘

MAGKAKAROON na ng karibal ang Grab.

Mabuti naman!

◘◘◘

WALANG epektibong sistema ang gobyerno sa pagsaklolo sa Mindanao.

‘Yan ang malungkot na balita!

◘◘◘

SUMASABIT na rin ang PNP sa hazing scandal.

Hindi talaga maaasahan ang kapulisan.

Sila mismo ang bumabastos sa sarili nilang hanay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page