Giyera ang bakbakan sa PSL pocket tourney

Giyera ang mangyayari sa pagsagupa ng tatlong teams sa National Women’s Volleyball Squad sa Philippine Superliga (PSL) Super Cup simula ngayong araw sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Sariwa pa mula sa 12-day training camp sa Japan, babanat ang Nationals sa PSL Shine ng 5 p.m. bago ang bakbakan sa pagitan ng University of Tsukuba at PSL Sparkle ng 7 p.m. na tampok na atraksiyong pocket tournament na ito para na rin sa paghahanda ng Philippine team sa 30th Southeast Asian Games.
Isang simpleng opening ceremony ng 3 p.m. ang nakatakda at si PSL chairman Philip Ella Juico at Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc (LVPI) vice president Peter Cayco ang magbibigay ng inspiring messages para sa Nationals. Sa isang press conference kahapon sinabi ni PSL president Ian Laurel na ang league all-out support sa national squad ay pakay ang podium finish sa prestihiyosong biennial meet sa Disyembre sa Philsports Arena.
Noong huling mag-podium finish ang national women’s squad sa SEA Games ay noong 2005 nang mag-host ang bansa. Mula noon matapos ang 10 taon ay kinapos na ang bansa noong 2015 at 2017 laban sa Singapore at Kuala Lumpur sa medalya.
Sinabi ni Laurel na wala silang aaksayahing oras para sa paghahanda ng tropa
“This event was organized primarily to help the national team prepare for the upcoming Southeast Asian Games,” ayon kay Laurel mula sa general technical meeting at press briefing ng event. “We know that the SEA Games is not a picnic. That’s why we’re extending whatever help we can to the LVPI to make sure that its goal of emerging with a medal will be achieved.”
Ayon kay National team Head Coach Shaq Delos Santos na ang pocket tourney ay isang malaking inspirasyon para sa paghahanda nila maging ang mga aral na natutunan mula sa 12-day camp sa Japan.
“We would be giving our all because we’re playing in front of our countrymen,” ayon kay Delos Santos, na palalargahin ang mga skipper na sina Aby Maraño, Mika Reyes, Kalei Mau, Mylene Paat, Dawn Macandili, Majoy Baron, Frances Molina, Rhea Dimaculangan, Jovelyn Gonzaga, Kat Arado at Eya Laure. “This is a golden chance for us to show what we’ve got and learn from the Japanese team along the way.”
Pero hindi madali ang magwagi sa pocket tourney na ito.
Ang PSL Shine ay pinangungunahan ng dating national team players na sina Aiza Maizo-Pontillas, Denden Lazaro MJ Philips kasama ang support crew na sina Remy Palma, Buding Duremdes, Fiola Ceballos, Ria Meneses, Patty Orendain, Mean Mendrez, Bia General, Amanda Villanueva, Eli Soyud, Rebecca Rivera, Des Clemente, Alex Cabanos at Fritz Gallenero. Aagapay din si Generika-Ayala assistant coach Carl Dimaculangan. ”For us, this will be a good exposure to the players and the coaches as well,” ayon kay Dimaculangan, isa sa best young coaches ng bansa na coach ng University of the East.
Laro Ngayon: (Filoil Flying V Centre) 3 p.m. – Opening ceremony; 5 p.m. – PSL Shine vs National Team; 7 p.m. – PSL Sparkle vs University of Tsukuba.





Comments