top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dilawan at DDS, tuloy ang giyera dahil sa donasyon sa mga biktima ng lindol

  • Pabs Hernandez III
  • Nov 5, 2019
  • 2 min read

DILAWAN AT DDS, NAGBABATIKUSAN KAHIT SA PANAHON NG KALAMIDAD—Kahit nagbigay agad ng tulong ang Duterte gov’t. sa mga biktima ng magkakasunod na lindol sa Mindanao ay binatikos pa rin ito ng “dilawan” dahil mabagal daw ang ibinibigay na tulong at nang magpadala ng relief goods si VP Leni Robredo, binatikos din ito ng mga DDS dahil kaunti lang daw ang ipinadala nitong tulong.

Imbes na magkaisa sa panahon ng kalamidad, eh, nagbabatikusan pa ang “dilawan” at DDS, mga pwe!

◘◘◘

MGA CONG., ANG BIBILIS MAGSINGIT NG MILYONES SA NAT’L BUDGET, PERO ANG KUKUPAD SA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG LINDOL—Sa pagbalangkas sa 2020 National Budget, simbilis ng kidlat na isiningit ng tropa ni Speaker Alan Peter Cayetano ang milyones na pang-”projects” daw ng bawat kongresista.

Pero sa pagbibigay tulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao, ang kupad ng mga kongresista, mga buwisit!

◘◘◘

DTI SEC., NATARAYAN NI SEN. IMEE DAHIL SA DAGDAG-PRESYO SA MGA PANG-NOCHE BUENA — "Killjoy!” ‘Yan ang banat ni Sen. Imee Marcos kay DTI Sec. Ramon Lopez dahil sa pag-aprub nito sa mga manufacturers na magtaas ng presyo sa mga “pang-Noche Buena” products.

Akala siguro ni Sec. Lopez, porke kaalyado ni P-Duterte si Sen. Imee ay hindi siya makakatikim ng banat dito, pero dahil mahihirap ang maaapektuhan sa dagdag-presyo sa mga “pang-Noche-Buena,” natarayan tuloy siya ng senadora, he-he-he!

◘◘◘

MGA MAYOR AT HEPE NA KUMUKUNSINTI SA ‘ONLINE SABONG’, SIBAKIN!—Sa kabila na may utos na si P-Duterte noong Dec. 22, 2016, na ipatigil ang mga online gambling sa bansa, may ilang lugar pa rin sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog Region ang may ‘online sabong’.

Dapat kasuhan at sibakin ni DILG Sec. Eduardo Año mga mayor at hepe na kumukunsinti sa ‘online sabong’ sa kanilang jurisdiction kasi dinededma lang nila ang kampanya ng pangulo sa mga online gambling, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page