top of page
Pokwang.jpg

Dapat knows mo ‘to... Bad habits ng empleyado na nakakasira sa trabaho

Jersy Sanchez
Nov 5, 2019
2 min read

For sure, may mga habits tayo na hindi natin napa­pan­sin na mali, lalo na kapag nasa work­place. Ilan sa mga ito ang pag­da­da­hilan, pagi­ging late at ma­dal­dal. Agree?

Mga besh, hin­di man ito big deal sa atin, sigu­radong may masama itong mai­dudulot sa ating ca­reer, lalo na sa pa­giging profes­sional. Gayunman, narito ang mga ha­bit na hin­di dapat gawin sa tra­baho:

1. PAGDADAHI­LAN. Minsan, lahat ay gagawin natin para lang hindi tayo pagalitan. Pero mga besh, hindi ito ma­gandang maka­sanayan sa trabaho dahil sa totoo lang, hin­di ito nakatu­tulong para magkaroon ng professional image. Kapag nagkamali tayo, mas mabu­ting umamin kesa magda­hilan dahil wala namang per­pektong tao. Ga­win itong lesson para mai­wasang mag­kamali sa su­sunod na pagkakataon.

2. PAKIKIPAGTSIS­MISAN. Naku, mga besh, dahan-dahan sa pakikipag­tsi­kahan kapag nasa trabaho dahil bukod sa hindi ito ma­gandang gawain, hindi mo rin alam kung sino ang mga nakakarinig sa iyo. Kahit meron kang work friend na palaging nakakatsikahan, hindi ka pa rin sure kung ka­nino niya puwedeng ipasa ang “tea” o chismis mo. Tan­daan, kapag wala kang ma­gandang sasabihin, quiet ka na lang.

3. MATAGAL NA PAGSAGOT SA MGA E­-MAIL. Napaka-hassle mag-check nang mag-check ng e-mail kahit tapos na ang office hours, pero alam n’yo ba na puwede itong mapa­kinabangan pagdating sa ca­reer? Puwede kang makilala bilang responsive o mabilis mag-reply, lalo na sa mga e-mail.

Ayon sa mga eks­per­to, sa panahon ngayon ay e-mail at phone ang pinaka­ma­da­ling paraan para mag­ka­roon ng komunikasyon kaya ang mabibilis na reply ay hindi dapat mawala.

4. PAGIGING LATE. Siguradong napakaraming dahilan para ma-late tulad ng trapik, late ng gising at iba pang mga aberya ha­bang nasa biyahe.

Ang pagka-late ng isa o da­lawang beses ay ka­tang­gap-tanggap pa, pero kung palagi itong nang­ya­yari, ma­­aari itong maging is­sue at ang malala, mag­kaka­roon ka pa ng me­mo. Awww!

5. PAGSO­SO­LO NG CRE­DITS. Kung nata­pos mo ang task na ipina­gawa sa‘yo, de­­serve mo ito, pero kung sosolohin mo ang cre­dit na dapat ay para sa buong team, hindi ito ma­ganda. Ang masaklap pa ay maban­sagan kang “bida-bida” da­hil ang dapat ibigay sa bu­ong team ay sinolo mo na. Tsk!

Kapag nakatapos ka ng task kasama ang iyong mga workmates, i-acknowl­edge ang kanilang effort. Sabi nga nila, team­work makes the dream works.

Relate ka ba, beshy? Kung may iba ka pang habits na sa tingin mo ay makakasira sa iyong professional image, try to stop it dahil baka pag­sisihan mo ito sa huli.

Hu­wag mong kalimu­tang iba­hagi ito sa iyong mga kaki­lala at kapamilya. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page