top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PR ng dilawan, hapi pa na nilindol ang Davao at wish na mamatay na si P-Digong

Bobi Tiglao
Nov 4, 2019
2 min read

Tanyag si Yoly Villanueva-Ong sa mundo ng advertising. Bilang founder ng Campaigns and Grey, isang sikat na advertising agency, marami siyang naging kliyente na mga sikat na tao at kumpanya.

Pero ngayon naman ay namomolitika si Ong para sa dilawan at kitang-kita ang karakter ng mga ito na walang pakikipagkapwa-tao, walang pakialam kahit manira ng kapwa Pilipino.

Ayon sa mga ulat, si Ong diumano ang humahawak ng Public Relations (PR) at advertising ng dilawan, paghahanda raw sa pagtakbo ni VP Leni Robredo sa 2022.

Pinutakti ng mura at pamba-bash sa social media si Ong matapos maglabas ng nakasusukang tweet na tila “insensitive” talaga. “DDS: DAVAO DISASTER SURVIVORS. Hindi pa ba n'yo ma-gets? Gusto na kayong lamunin ng lupa. Magdasal na kayo at humingi ng patawad. Quiboloy can’t stop earthquakes. He can only stop Kappa. Duts should seriously prepare for the afterlife. It’s getting hot, hotter, hottest (fire emojis).”

Nasalanta na ng sunud-sunod na lindol ang mga taga-Mindanao, sasabihin pa niya na gusto silang “lamunin ng lupa”? Malinaw na gusto niyang mawala na sa mundo ang mga taga-Davao na kilala bilang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakadidismaya na sa halip na tumulong sa mga kababayang nabiktima ng lindol ay ininsulto pa ni Ong ang mga ito.

Ganito ba talaga ang mga alipores ng dilawan, puro poot ang nasa isip? Mahigit 20 na ang namatay sa magkakasunod na lindol sa Mindanao. Kasalanan ba nila ito o sadyang masaya si Ong na nangyari ang kalamidad na ito? Sa huling part ng tweet, sinabi niyang maghanda si Pangulong Duterte na mamatay. Grabe, tao pa ba siya? Sinuman, kahit kaaway mo pa sa politika, hindi mo dapat hinihiling na mamatay na.

Alam nating relihiyoso si Ong (sa St. Scholastica College siya nag-aral, eskuwelahan kung saan mga militanteng madre ang nagpapatakbo), pero ang tanong, alam mo ba na kasalanan sa Diyos ang maghangad ng kamatayan ng tao? Mortal sin ‘yan, ineng!

Baka nakalimutan niya ang nangyari kay Carlos Celdran, matinding kritiko ni Pangulong Duterte. Matapos lumabas ang balitang may sakit ang pangulo na “chronic autoimmune disorder”, sinabi ni Celdran sa tweet na, “Good. Now die. Please. Kthanxbye.”

Ang hirap sa dilawan na tulad ni Ong, napakababa ng tingin nila sa masang Pilipino, sa milyun-milyong tagasuporta ng pangulo. Akala nila, elitista lang ang may karapatang magpatakbo ng bansa.

Nasubukan na ng Pilipinas ang pamamahala ng mga asendero na tulad ni ex-P-Noy, pero walang nangyari sa bansa kundi lumawak ang kriminalidad, maraming nasirang tren, kakaunti lang ang mga naitayong imprastruktura at ang masaklap, bagsak ang ekonomiya!

Hindi pa natuto ang dilawan sa nangyari noong 2016, nang matalo ang elitistang kandidato ng LP na si Mar Roxas at nanalo ang probinsiyanong mayor ng Davao City.

Kapag ipinagpatuloy nila ang ganyang pag-iisip, siguradong sila rin ang babalikan ng karma, hindi man ngayon agad-agad, pero meron. Ngayon pa lang ay naririnig na natin ang hiling ng mga netizen na magkaroon sana ng “Daughterte” bilang susunod na pangulo.

Kapag napagbigyan ‘yan, siguradong iiyak si Ong at ang mga ‘boss’ niyang dilawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page