top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Multa sa magkakalat ng fake news tungkol sa sunog

Dr. Persida V. Rueda-Acosta
Nov 4, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ba ang kaukulang parusa sa mga taong nanloloko at nagsasabi o nagkakalat ng balitang mayroong sunog kahit wala naman? — Janina

Dear Janina, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Rule 12, Section 12.0.0.4 (B) (4) (i) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act No. 9514 o mas kilala bilang “Fire Code of the Philippines of 2008” kung saan nakasaad ang kaukulang parusa sa sinumang magbibigay ng maling impormasyon tungkol sa pagkakaroon ng sunog. Ayon dito:

“4. Failure to observe the following declared prohibited acts and omissions as required under Section 8 of Republic Act No. 9514.

DESCRIPTION

d. Giving false or malicious fire alarms.” [Binigyang-diin.]

SCHEDULE OF FINES

PhP 4,000 to PhP 12,500

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page