top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga Cong. na ang lalaki ng pork barrel, dedma sa lindol sa Mindanao

Pabs Hernandez III
Nov 4, 2019
2 min read

VIETNAM, MANUFACTURER NA NG KOTSE; INDIA, MAY APPARATUS NA SA BUWAN HABANG SA ‘PINAS, DAING AT TUYO, MAG­KAKA-TAX NA—Kamakailan, naibalita na ang Vietnam ay guma­gawa na rin ng kotse para kumpitensiyahin ang ibang bansa na manufacturer ng mga sasakyan.

Samantala, sa India naman ay natupad na ang kanilang space dream nang makapagpadala sila ng kanilang apparatus sa buwan.

‘Yan ang mga good news sa dalawang ban­sang ito sa Asya, pero sa Pilipinas, naku po, ang balita ay “daing at tuyo, papatawan ng tax,” boom!

◘◘◘

MGA CONG. NA MAY “PORK BARREL”, DEDMA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MIN­DANAO?—Nag-viral ang pagbibigay-tulong nina Angel Locsin at Manila Mayor Isko Moreno sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Pero ang mga ma­peperang kongresis­tang may pork barrel, “nganga” lang kasi wala pa silang naibi­bigay na tulong, mga buwisit!

◘◘◘

RAKET NI “DE­LIO”, BAKA KAY MPD DIRECTOR BALBA MAG-‘BOOMERANG’? — May direktibang “no take policy” si NCRPO Director Gen. Debold Sinas, pero sa Maynila raw ay may isang “Delio” na nanghihingi ng “tongpats” sa mga ilegalista.

Dapat ipahuli ni newly appointed MPD Director Gen. Bernabe Balba si “Delio” kasi baka sa kanya mag-”boomerang” ang raket ng “tongpats” collector na ito, period!

◘◘◘

MGA HEPE SA QC, TAGILID SA JUETENG — Sa kabila na may kam­panya si QCPD Director Col. Ronnie Montejo laban sa mga ilegalista, parang ka­buteng nagsulputan naman ang jueteng nina “Dudong” sa Laloma, Masambong at Tali­papa; “Baby” sa Novaliches at “Con­rad” sa Cubao, Quezon City.

Kapag hindi “tinok­­hang” nina Stn. 1 Lt. Col. Camlon Nasdo­man; Stn. 2 Lt.Col. Rodrigo Soriano; Stn. 3 Lt. Col. Benjamin Gabriel at Stn. 4 Lt. Col. Rossel Cejas ang mga jueteng lords sa kanilang jurisdiction, malamang, sibak ang aabutin nila kay Col. Montejo, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page