top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Matapos ang sunud-sunod na bagyo at lindol.. National building code, baguhin

  • Mylene Alfonso
  • Nov 4, 2019
  • 1 min read

Panahon na para amyendahan ang National Building Code dahil sa malalakas na bagyo at lindol na tumatama sa bansa.

Ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go, panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nang itatag ang National Building Code sa ilalim ng Presidential Decree 1096.

Aniya, dapat matiyak na matibay ang mga gusali na itinatayo upang maiwasan ang pagbuwis ng maraming buhay at mapatawan naman ng karampatang parusa ang mga nagpapalusot na contractor.

“Aantayin pa ba natin na gumuho ang mga gusali at marami ang mamamatay, bago tayo kumilos?” ani Go.

Kaugnay nito, tututukan ding maipasa ang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Ang Senate Bill 205 o DDR ang tutugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng malalakas na bagyo, matinding pagbaha, lindol at landslide.

Magiging trabaho rin ng DDR ang pag-evacuate sa mga mamamayan bago pa tumama ang kalamidad sa kanilang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page