Jiu-Jitsu, ipamamalas ang husay sa 30th SEA games

Isasakatuparan ng National Jiu-jitsu Team ang maipamalas ang pinakamaganda nilang performance sa darating na 30th Southeast Asian Games sa bansa, gayundin ang mapanalunan ang pangkahalatang 11 events sa two-year competition.
Bagamat ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak ang mga Jiu-jiteros at Jiu-jiteras ng bansa sa biennial meet, asahan na ang kapana-panabik na pagpapakitang-gilas ng mga ito sa loob ng mats.
Ayon kay National Head Coach Hans Tio Co, inaasahan nilang magpupursige ng husto ang anim na beterano ng kanilang koponan para maghandog ng gintong medalya para sa bansa sa pagbubukas nito simula Nob. 30-Dis 11.
Hindi man direktang binanggit ni Tio Co ang kabuuang parte ng pambansang koponan, paniguradong kabilang rito ang mga World Champions at multi-titlist na sina Margarita “Meggie” Ochoa (women’s -45kgs), Annie Ramirez (women’s -57kgs) at Gian Dee (men’s -61kgs) na matinding nag-eensayo sa labas ng bansa, partikular sa Japan bilang paghahanda sa nakatakda nilang laban simula Disyembre 9-10 sa LausGroup Event Center sa San Fernando, Pampanga.
Ang 29-anyos na Asian Games Jakarta-Palembang bronze medalist na si Ochoa ang naging kauna-unahang nagwagi ng gintong medalya sa bansa at sa Asya sa larangan ng jiu-jitsu, habang sina Ramirez at Dee ay nakuha ang kanilang ginto sa world stage nitong Abril.
Ilan pa sa mga maaring bumuo ng koponan ay sina Marc Lim (men’s -69kgs), Apryl Eppinger (women’s -63kgs), Kaila Napolis (women’s -52kgs), Dean Roxas (men’s -85kgs), Luigi Ladera (men’s -94kgs), (women’s -48kgs), Carlo Pena (men’s -56kgs), Adrian Guggenheim (men’s 77kgs) at Pong Meimban (men’s Heavyweight).
“We are still waiting for other teams to finalize their line ups, but we will rely more on our veterans and high expectations on (relatively) newbies at least to finish podium,” pahayag ng 38-anyos na produkto ng Melbourne University na si Tio Co sa panayam ng BULGAR. “Strong chance to get overall number one for both men and women, but the athletes have to be at their best on the day,” dagdag nito.
Aminado ang dating Asian Championships bronze medal winner na pinaghahandaan nila ng husto ang mga koponan buhat sa Thailand, Singapore, Vietnam at Cambodia dahil karamihan sa mga manlalaro nito ay may Judo background at may US based athlete.





Comments