D-League draft applicant, may deadline sa Enero 6
- VA
- Nov 4, 2019
- 1 min read

Para sa idaraos na 2020 PBA D League Draft sa darating na Enero 13, nagtakda na ang pamunuan ng PBA ng deadline para sa mga aplikante sa pagsusumite ng kanilang mga kinakailangang dokumento.
Sa lahat ng mga naghahangad na mag-apply upang makalaro sa developmental ranks, lokal man o Filipino-foreign players, ang deadline na itinakda ay hanggang sa Enero 6, 2020.
Para sa lahat ng Fil-Foreign cagers na gustong makalahok sa draft, kinakailangan nilang magsumite ng application form, dalawang 2x2 ID picture, Certificate of Recognition mula sa Bureau of Immigration at orihinal na kopya ng kanilang birth certificate.
Sa mga lokal na manlalaro na hangad na maglaro sa D-League, kailangan lang nilang magbigay ng filled-up application form, dalawang 2x2 ID picture at orihinal na kopya ng kanilang birth certificate na galing sa Philippine Statistics Authority o dating NSO.
Upang makakuha ng application forms, maaari po kayong magtungo sa tanggapan ng PBA sa E. Rodriguez Jr. Avenue sa Bagumbayan, Quezon City o maaari kayong tumawag at makipag-ugnayan kina Bb. Rosc Teotico o G. Niel Tibajares sa telepono -8470-2768 to 70. Doon naman sa mga Fil-foreign players o sa mga nasa malalayong probinsiya maaaring mag request ng application form sa email kay D-League Tournament Director Mauro Bengua Jr. sa mlbengua@ pba.com.ph.





Comments