top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

4 huli sa aktong nagsa-shabu

Maeng Santos
Nov 4, 2019
1 min read

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 40-anyos na ginang ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsa-shabu sa Navotas City, kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ni Navotas Police Station Drug Enforcement Unit Head PLt. Eric Roxas ang mga naarestong suspek na sina Ronald Altrecha alyas Vito, 26; Alyo Badjana alyas Hulyo, 25; Nelson Aribe, 35, at Lodivina Sarsali alyas Nining, 40, pawang mga residente ng Market 3, Bgy. NBBN.

Sa report ni SDEU Investigator PCpl. Jaycito Ferrer kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, alas-12:15 ng hatinggabi, nagsasagawa ng covert validation at surveillance operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Roxas sa target drug personalities sa Market 3, Fishport, Bgy. NBBN nang mapansin ng mga ito ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa isang nakabukas na kubo.

Nabigla ang mga suspek nang bulagain sila ng mga pulis saka inaresto at nakumpiska sa kanila ang ilang drug paraphernalias at dalawang nakabukas na sachet na may bahid ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page