Pastor Quiboloy, feeling mas magaling pa kay Lord, lindol ipinatigil daw niya
ANGEL LOCSIN, NAG-VIRAL SA PAGBIBIGAY NG MALASAKIT SA KAPWA; PHILLIP AT CESAR, NAGBA-VIRAL DIN PERO SA PAGBUNTOT KAY P-DUTERTE SA IBANG BANSA — Viral ngayon sa social media ang pamimigay ni Angel Locsin ng relief goods sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Mabuti pa si Angel, ang pagtulong sa kapwa ang pinag-uusapan sa social media, pero ang dalawang tulad niyang artista na sina Phillip Salvador at Cesar Montano, kapag nag-viral sa social media, eh, batikos ang inaabot kasi ang topic ay ang pagbuntut-buntot nila kay P-Duterte sa ibang bansa, boom!
◘◘◘
FEELING NI PASTOR QUIBOLOY, MAS MAKAPANGYARIHAN SIYA SA DIYOS — Nang lumindol sa Mindanao, ilang saglit ay tumigil ito at siyempre, ang Diyos ang nagpatigil niyan upang hindi na madagdagan pa ang mga biktima ng lindol sa rehiyong ito.
Pero itong si Pastor Quiboloy, feeling niya, makapangyarihan pa siya sa Diyos kasi inagawan niya ng papel si Lord nang sabihin niyang siya raw ang nagpa-stop ng lindol kaya dapat daw sa kanya magpasalamat ang mga taga-Mindanao, buwisit!
◘◘◘
SIBILYANG KAPITAN NG BARKO, MAY “BALLS”, PERO ANG AFP CHIEF AT COAST GUARD CHIEF, WALA! — Sa panibagong insidente ng pangha-harass ng Chinese warship sa mga Pinoy seaman na lulan ng barkong Green Aura noong Sept. 30, 2019, ang sabi ni Capt. Manolo Ebora, hindi raw sila nagpa-bully kasi nang pinaaalis daw sila sa Scarborough Shoal, binutata raw niya ang mga Chinese nang ipamukha niyang sila ay nasa West Philippine Sea (WPS) at hindi ito sakop ng China.
Mabuti pa ang sibilyang kapitan ng barko, may “balls” harapin ang mga Chinese, pero ang AFP chief at Philippine Coast Guard (PCG) chief, “nganga” lang sa pambu-bully ng mga Tsekwa sa mga Pinoy sa WPS, period!
◘◘◘
RICE SMUGGLERS SA CUSTOMS, IMBES NA MAWALA, NADAGDAGAN PA — Hindi lang daw sina “Jojo” at “Bangayan” ang nag-iismagel ng bigas sa Bureau of Customs kundi pati raw ang isang nagngangalang “Edwin”.
Hay, naku, imbes na mawala ang mga rice smuggler sa Customs, eh, nadagdagan pa, pwe!





Comments