Rollback sa gas
Gina Pleñago
Nov 3, 2019
1 min read

Magpapatupad ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa abiso ng Petron Corporation, magbabawas sila ng tig-P0.10 kada litro sa gasolina, kerosene at P0.25 sa diesel kada litro.
Ang nasabing bawas-presyo ay epektibo sa Martes, Nobyembre 5 ng alas-6:00 ng umaga.
Samantala, ang rollback ay may kaugnayan sa paggalaw ng presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado.





Comments