top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

NCAA stepladder semis, San Beda, ready na

VA / MC
Nov 3, 2019
1 min read

Tatlong eskuwelahan ang magbabakbakan para harapin ang defending champion na San Beda University (SBU) Red Lions sa NCAA Season 95 stepladder semifinals na magsisimula ngayong Martes (Nobyembre 5) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Maghaharap sa isang “do-or-die match” ang San Sebastian College-Recoletos (SSC-R) Golden Stags, na nakuha ang ika-apat na puwesto, at ang nasa ikatlong puwestong na Colegio De San Juan De Letran (CSJL) Knights, na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A ng 4 pm.

Kung sino man ang manalo sa dalawang koponan ang kakalaban sa Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates, na pumangalawa sa standings, para sa karapatang makaharap ang SBU sa Finals.

Naging stepladder ang semifinals ng torneo pagkatapos maipanalo ng Red Lions ang lahat ng laro sa double round eliminations sa pinagsamang lakas ng nangungunang kandidato sa pagka-MVP na si Calvin Oftana at ang kanilang point guard na si Evan Nelle.

Matarik ang aakyatin ng tatlong koponan para maabot ang Finals kontra SBU Red Lions at hindi na makapaghintay na magsimula sina Jerrick Balanza ng Letran, Allyn Bulanadi ng SSC-R, at ang kambal na Jaycee at Jayvee Marcelino ng LPU.

Para kay Balanza at Bulanadi, parehas pa nilang naiisip ang duwelo ng kanilang mga eskwelahan noong Season 93, kung saan nasulot ng Stags ang ika-apat na puwesto sa Final Four salamat sa dating big man nilang si Michael Calisaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page