Lola at 12-anyos na apo nabagsakan ng puno, dedbol

Kapwa patay ang maglola nang mabagsakan ng malaking puno na nabuwal sa tabi ng kanilang bahay sa Isabela City, Basilan, kahapon.
Hindi na nakaligtas ang 69-anyos na lola at kanyang 12 years old na apo nang mabagsakan ng puno ng acacia na nabuwal sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan, alas-3:00 ng madaling-araw kahapon.
Nabatid sa isinumiteng report kay Police Lt. Col. Mariano Rodriguez, Isabela City Police Office (ICPO) Director, nawasak ang bahay ng mga biktima.
Pahirapan din ang retrieval operation ng City Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang rescue unit mula sa Bureau of Fire Protection sa bangkay ng maglola dahil naipit ang mga ito sa puno.
Pasado alas-7:00 na ng umaga nang mailabas mula sa nawasak na bahay ang labi ng mga biktima.





Comments