Akala walang tao dahil Undas.. 2 akyat-bahay huli sa akto, kulong

Arestado ang dalawang akyat-bahay matapos nilang looban ang isang apartment sa Pasig City sa pag-aakalang walang tao dahil Undas.
Sa kuha ng CCTV, makikitang pumarada ang motor ng mga suspek sa tapat ng apartment building na pagnanakawan nila.
Pumasok ang dalawa sa isang unit kung saan naabutan nila ang tatlong babaeng tenant saka sila nagdeklara ng holdap.
Tinangay ng mga suspek ang mga cellphone, bag, wallet at laptop ng mga biktima bago umalis.
Agad nakapagsumbong ang mga biktima kaya nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Michael Mendieta at Ruel Peralta.
Nakuha mula sa kanila ang kutsilyo, pekeng baril at granada habang naibalik naman ang mga gamit ng mga biktima.





Comments