4 sasakyan nagkarambola
Jeff Tumbado
Nov 3, 2019
1 min read

Apat na sasakyan ang nagkarambola sa Mindanao Avenue, Bgy. Tandang Sora, Quezon City, kahapon.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isang bus, isang AUV, isang sedan at motorsiklo ang nagkabanggaan bandang alas-3:00 ng hapon.
Kaugnay nito, may ilan umanong nasaktan sa insidente bagama’t, hindi pa matiyak ng ahensiya kung ilan.
Samantala, umabot sa bahagi ng Bgy. Bahay Toro ang trapik.





Comments