top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Quiana at Reyes siblings, pambato sa NAMSSA C’ships

  • MC
  • Nov 2, 2019
  • 1 min read

Hindi matatawaran ang galing ng Pinoy kahit na sa mapanganib na sports gaya ng motocross. Ang magkapatid na sina Quiana at Wenson Reyes ang magandang halimbawa.

Bagamat kapwa bata pa, patuloy na gumagawa ng pangalan ang magkapatid sa kanilang kampanya sa motocross na kung saan ilang ulit na din silang nanalo.

“Exciting talaga ang motocross kaya gusto namin itong mag-kapatid,” pahayag ng nakatatandang si Quiana sa 46th edisyon ng TOPS “Usapang Sports” sa National Press Club noong Huwebes ng umaga. “Gusto ko ding tularan yun iba pang magagaling na female riders, gaya nina Pua Gabriel at Jasmine Jao,” sabi pa ng 15-taong-gulang na estudyante ng St. Paul’s College-Bulacan.

Gayunman, prayoridad pa din ng magkapatid ang kanilang pag-aaral bilang pag-sunod na din sa payo ng kanilang mga magulang. ‘Pag weekdays, kailangan puro aral pa rin. ‘Pag weekend, motocross naman,” pahayag ni Wenson, na mahusay na sa 85cc division kahit pa 13 taon gulang pa lamang.

“Tuloy tuloy ang ensayo namin para maabot ang pangarap,” saad pa ng magkapatid, na sinamahan sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, Community Basketball Association at HG Guyabano Drinks ng kanilang mga magulang.

Ang magkapatid na Reyes ay nakatakdang lumahok bilang pambato ng bansa sa darating na NAMSSA National Motocross Championship sa Speedworld Motocross Circuit sa SM Bicutan sa Nov. 10.

Sasabak din sila sa FIM Asia Supercross Championship sa Nob. 24 sa parehong lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page