P-Digong kay Leni: Pu**ng ina ka!
HINDI SERYOSO SI P-DUTERTE SA ALOK NA MAGING DRUG CZAR SI VP LENI KASI MINURA NIYA ITO — Sa kanyang statement sa Davao City, galit na minura ni P-Duterte si VP Leni Robredo at nanawagan pa sa publiko na huwag daw itong (VP Leni) iboto kapag kumandidatong pangulo sa 2022 dahil sinisiraan at pinupulitika raw nito ang “war on drugs” ng kanyang gobyerno. “Ang hindi ko malaman kung namulitika ka. Pero kung namulitika, alam ko sabihin sa Pilipino, P.I. ka. Huwag kayong magboto kay Leni. Kawawa kayo,” ayon sa pangulo.
Dahil sa sinabing ‘yan ni P-Duterte, lumalabas na hindi siya seryoso sa alok na gawing “drug czar” si VP Leni kasi kung seryoso siya, dapat binobola niya ito at hindi minumura, boom!
◘◘◘
ANG PROBLEMA NI AGOT ISIDRO, HINDI SIYA ANG VP—Pinuna ng aktres na si Agot Isidro ang pagpatol ni VP Leni sa mga tirada ni P-Duterte at ayon sa kanya (Agot), kung siya raw ang VP, hindi niya papatulan ang mga patutsada ng pangulo.
‘Yan ang problema ni Agot, hindi siya ang VP kundi si Leni, he-he-he!
◘◘◘
MGA BIKTIMA NG MAGUINDANAO MASSACRE, BIGYAN NA NG HUSTISYA—Ngayong si Justice Diosdado Peralta na ang Chief Justice, ang panawagan sa kanya ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), desisyunan na ang kasong Maguindanao massacre na kinasasangkutan ng Pamilya Ampatuan.
Sana, pamunuan ni Peralta ang pagbibigay-hustisya sa mga journalists, abogado at kababaihang minasaker daw ng Pamilya Ampatuan, kasi sa nakalipas na sampung taon, ang mga nagdaang Punong Mahistrado ay “nganga” lang sa karumal-dumal na krimeng ito, period!
◘◘◘
SABLAY ANG PALUSOT NG “TARA” COLLECTOR—Nang imbestigahan, ang sabi raw ng isang “Bebot” ay hindi siya “tara” collector at hindi raw “tara” collection ang P4 milyong nakumpiska sa kanya ng Philippine Coast Guard sa loob ng Bureau of Customs kundi ang naturang halaga raw ay sarili niyang pera na “pautang” niya sa mga kawani ng Adwana.
‘Yan ang sablay niyang palusot kasi sa sobrang dami ng pera ng mga taga-Customs, imposibleng may mangutang pa sa kanya, boom!





Comments