top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dating team pinatumba, Leonard, bida sa Clippers

  • MC
  • Nov 2, 2019
  • 2 min read

Nagpaulan ng 38 puntos si Kawhi Leonard at sinabayan din ng tikas ni Montrezl Harrell ng 24 puntos nang talunin ng Los Angeles Clippers ang San Antonio Spurs, 103-97 kahapon upang pahiyain ang dating team niya na Spurs at patatagin ang undefeated na kartada ng L.A.

Sumunggab din si Leonard ng 12 rebounds para itala ang kanyang unang double-double na score ngayong season. “I have the heart of a champion and I just tried to stay focused,” ani Leonard na naglaro ng pitong seasons sa Spurs mula 2011 hanggang 2018.

Umiskor siya ngayon ng 30 at higit pang puntos sa tatlong laro niya sa limang games sa Clippers, na lumagda bilang free agent noong offseason.

Nakatulong si DeMar DeRozan ng 9 puntos habang si Derrick White ay dumagdag ng 20 para sa Spurs na dumanas ng unang pagkatalo sa kaagahan ng season at lumagpak sa kartadang 3-1.

Matapos ang mahabang panahon ng paglalaro sa Spurs, nagkaroon na nang lamat ang samahan nila sa team. Naipagpalit siya noong Hulyo 2018 sa Toronto Raptors sa isang deal kaya napunta si DeRozan sa Texas.

Pinangunahan ni Leonard ang Raptors para sa unang NBA title noong nakaraang season sa bisa ng six-game victory kontra sa defending champion Golden State Warriors. Pero hindi naging sapat ang titulo na iyon upang manatili si Leonard sa Toronto. Na-elimite ang Spurs sa unang round noong nakaraang taon ng Denver Nuggets.

Ayon kay Clippers coach Doc Rivers hindi pa noon ganoon kagaling at maituturing na best players ng liga si Leonard at biglaan lamang na lumabas ang husay nito. Siya ngayon ang pinakamasipag na players on and off the court sa NBA.

“From where he started from to where he is at now is amazing,” saad ni Rivers hinggil kay Leonard na nakagawa ng 25 puntos sa second half. “Every young player who has a chance to see the work, should understand you don’t get better without the work.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page