3 tiklo sa droga

Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang bebot ang arestado sa buy-bust operation ng mga pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit Head P/Capt. Segundino Bulan, Jr. ang mga suspek na sina Jhelanie Hilario, 34; Rosalinda Dy, tricycle driver at Joel dela Cruz, 38, ng Cabanatuan City.
Sa report ng SDEU kay Valenzuela Police Chief Col. Carlito Gaces, ala-1:00 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba sa pangunguna ni P/Capt. Bulan ang buy-bust operation kontra kina Hilario at Dy.
Nagawang makabili ng pulis na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng shabu kay Hilario na nagkakahalagang P200.
Nang magbigay ng signal ang pulis sa kanyang mga kasama na nagkaabutan na, agad lumusob ang back-up na mga operatiba at sinunggaban sina Hilario at Dy.
Narekober kay Hilario ang dalawang sachets ng shabu, marked money at P150 bill habang kasama ring natimbog si Dela Cruz matapos makuhanan ng sachet ng hinihinalang shabu.





Comments