top of page
Pokwang.jpg

Mahihirap, lalong pinapatay ng dagdag-buwis

Pabs Hernandez III
Nov 1, 2019
2 min read

MAS GUSTO BA NI SPEAKER CAYETANO NA PATAYIN NA LANG ANG MGA ADIK KAYSA I-REHAB?— Sabi ni Speaker Alan Peter Cayetano, hindi raw applicable sa Pilipinas ang nais ni VP Leni Robredo na “health-based” approach o ituring na pasyente at gamutin ang mga drug addict tulad ng ginagawa sa mga bansa sa Europa.

Kumbaga, parang sinabi na rin ni Speaker Cayetano na pagpapatayin na lang ang mga adik kaysa gamutin pa ang mga ito sa mga rehab center, susmaryosep!

◘◘◘

MGA MAHIHIRAP, LALONG MAGHIHIRAP SA DAGDAG-TAX SA MGA PAGKAING PANG MAHIRAP — Hindi lang instant noodles at de-latang tulad ng sardinas ang nais ng Department of Health (DOH) na taasan ng tax kundi pati ang daing at tuyo dahil ayon sa DOH, bad daw sa health ang mga pagkaing ito kaya mainam daw na taasan ang presyo para iwasan ng publiko na bumili ng ganyang uri ng tsibog.

Ang mga pagkaing ‘yan ay pagkaing pangmahirap.

Kapag tumaas ang presyo ng mga ‘yan ay asahan nang lalong maghihirap ang mga mahihirap, saklap!

◘◘◘

KAHIT DOBLADO NA ANG SUWELDO, MGA SCALAWAG SA PNP, HINDI NA TITINO — Tatlong pulis na naman, sa katauhan nina M/Sgt. Monjel Aradais, S/Sgt. Fahmi Como at Pat. Sandiali Manalao ang nahuli sa akto ng PDEA at ARMM police na nagbebenta ng shabu sa Parang, Maguindanao.

Patunay ‘yan na kahit doblado na ang suweldo ng mga pulis ay hindi na titino ang mga scalawag sa PNP, buwisit!

◘◘◘

‘TISOY’, SOURCE NG SHABU SA BATANGAS — Isang “Tisoy” daw ang nagpapalaganap ng ilegal na droga sa Batangas.

Paging PDEA Director Aaron Aquino, pakitokhang na nga si “Tisoy” hangga’t hindi pa lumalaganap sa buong Southern Tagalog Region ang pagbebenta nito ng shabu, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page