top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kinumbinse ng dating manager na si Ogie… Vice, pinag-iisipan nang magkaroon ng sariling anak

  • Vinia Vivar
  • Nov 1, 2019
  • 2 min read

Photo: @praybeytbenjamin

Matagal-tagal din pala ang naging tampuhan ni Vice Ganda at ng dati niyang manager na si Ogie Diaz. Ayon sa kuwento ng huli nang makausap namin sa presscon ng pelikulang Two Love You na ipinrodyus niya, mga 4 ½ years din daw ‘yun na civil lang sila sa isa’t isa.

“Four and a half years ko siyang hinawakan, mga 4 ½ years kaming civil lang sa isa’t isa. Kasi una kaming naging magkaibigan, eh, bago kami naging manager-talent na relasyon,” lahad ni Ogie.

Dahil sa banana chips kaya nagsimulang manumbalik ang kanilang pagkakaibigan. Nagustuhan daw kasi nito ang ipinadala niya sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kaya pinadalhan niya rin ito ng nasabing snack. Nagpasalamat daw ang komedyante sa TV and since then ay okay na ulit sila.

Ang maganda raw kay Vice Ganda, kahit hindi na nga siya ang manager nito ay nakikinig pa rin ito sa kanya. Recently nga raw ay dumalo ito sa debut ng kanyang anak na si Erin at doon ay seryoso silang nagkausap.

Pinayuhan daw niya si Vice na magkaroon na rin ng anak dahil nga tumatanda na ito.

“Sabi ko sa kanya, ‘‘Teh, mag-anak ka na, tumatanda ka na. Ilang taon ka na, 45, 46?’” kuwento ni Ogie.

Sagot daw ni Vice ay hindi nito kayang makipag-sex sa girl.

“Sabi ko, ‘Eh, hindi naman kailangang gumanu’n ka. Puwede kang ‘yung sperm mo, itatama sa egg na gusto mo, ganu’n.’ Tingnan mo si Joel Cruz, ‘di ba?” sey pa ni Ogie.

Sinabihan din daw niya si Vice na iba talaga kapag nagkaroon ng anak, pati ang outlook sa buhay ay maiiba.

“Even your jokes, maiiba. ‘Yung alam mo na kung paano maging tatay, ganyan-ganyan. Kino-convince ko talaga si Vice,” sey ni Ogie.

Hanggang sa sey daw ni Vice, “Pag-iisipan ko.”

Kaya if ever nga na mag-decide si Vice Ganda na mag­karoon ng sariling anak in the future, alam na kung sino ang naging inspirasyon niya.

Samantala, mula sa pagiging parlorista, movie reporter, talent manager, komedyante, TV host, ngayon ay movie producer na rin si Ogie sa Two Love You na pinagbibidahan ni Lassy Marquez in his first lead role kasama sina Yen Santos, Hashtag Kid Yambao, MC Calaquian at marami pang iba.

Ang Two Love You ay directed by Benedict Mique, produced by OgieD Productions and Lonewolf Films and released by Viva Films.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page