top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Hirit kay P-Duterte.. Bonus sa mga bgy. officials

  • Mylene Alfonso
  • Nov 1, 2019
  • 1 min read

Habang pinag-uusapan pa lang sa Senado ang Magna Carta for Barangays, humirit na muna ng bonus o incentive si Sen. ‘Bong’ Go sa Pangulong Rodrigo Duterte para ibigay sa mga barangay officials ngayong Pasko.

Ayon kay Go, ang incentive ay dagdag na allowance ngayong Disyembre ng mga opisyal ng barangay. Ang chairman at mga kagawad ay elected officials na walang suweldo o benepisyo kundi allowance lang ang ibinibigay sa kanila, buwan-buwan.

Samantala, inamin ng mambabatas na pondo talaga ang kailangan para maaprubahan ang kanyang panukala na SB 391. “At kung may pondo pa ang Office of the President, hihingi ako sa pangulo na bigyan muna sila ng incentives habang hindi pa pumapasa sa Senado ang aking panukalang-batas na Magna Carta for Barangays”, hirit pa ni Go.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page