Dagdag-presyo sa LPG

Nagpatupad ng dagdag-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis.
Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.30 kada kilo sa presyo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P3.30 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.
Tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.20 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi.
Ang bagong pagtaas ng presyo ay kaugnay sa pagtaas ng contract price ng LPG sa world market.





Comments