top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Basura buwisan na rin para masolusyunan, pang-utak-bopols!

Ka Ambo
Nov 1, 2019
1 min read

Nobyembre na.

Pasko o lagim?

◘◘◘

Nag-crack ang maraming nitso sa Mindanao dahil sa kambal na malakas na lindol.

‘Yan ang aktuwal na “Halloween”!

◘◘◘

NAGKABITAK din ang bahay ni P-Digong.

Dedo ang isang barangay chairman nang gumuho ang barangay hall.

‘Yan ang binabanggit natin — ang mismong “public servants” na dapat sumaklolo sa kalamidad ay “mga biktima” rin!

◘◘◘

NASAAN ang mga taga-Luzon na dapat mabilis na sumasaklolo sa mga taga-Mindanao?

Nasaan ang mga rescue helicopters at rescue ships?

◘◘◘

MAKIKITANG nagkakabitak-bitak ang mga kalye.

Tanging “aircraft” lamang ang epektibong pang-rescue sa panahon ng kalamidad!

◘◘◘

ANG mga backhoe at heavy equipment na gagamitin sa rescue sa gumuhong gusali ay dapat isinasabit sa helicopter para mailipad patungo sa lugar ng trahedya, agad-agad.

Hindi sapat ang “yuyuko, hahawakan ang ulo” at tatakbo!

◘◘◘

SINABI ng batang survivor na lahat daw sila ay nag-panic nang gumalaw ang lupa nang ilang minuto.

Maging ang mga rescuers ay nag-panic din!

◘◘◘

LUMILINDOL na sa Mindanao, mga Barretto pa rin ang pinagtsitsismisan.

Barretto pa rin ang headline sa ilang tabloids.

Susmaryosep!

◘◘◘

BUBUWISAN ang mga pagkaing may asin.

Ang asin ay gamit upang magkalasa ang “basurang pagkain”.

Next time, pati basura ay bubuwisan na rin!

◘◘◘

KAPAG may “buwis” ang basura, wala nang magtatapon ng basura.

Pwes, mareresolba raw ang krisis sa basura.

‘Yan ang solusyon ng mga bopol!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page