Bahay ni P-Digong, nadale sa lindol
- Mylene Alfonso
- Nov 1, 2019
- 1 min read

Photo: Christopher Go (right)
Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay naramdaman din ang malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao kasama na ang Davao City.
Ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go, tinawagan siya ni Pangulong Duterte pagkatapos ng lindol kung saan nabanggit na saktong bumangon para umihi siya nang magkalindol.
Ayon umano sa Pangulo, wala namang dapat ipag-alala at okay silang lahat ng kanyang pamilya.
“Sabi niya, ‘di naman po siya takot sa lindol. Kung talagang panahon mo na, panahon mo na,” ani Go.
Gayunman, nagkaroon din ng pagbitak sa pader ng bahay ni Pangulong Duterte.
Sa mga larawang ipinadala sa Malacañang Press Corps ni Go, kita ang nasabing bitak sa pader.
Partikular na rito ang crack na mula sa dulo ng kisame pababa sa dingding sa gawi ng bintana.





Comments