6th the travel city racing fest, lalarga

Hahataw sa Linggo ang dalawang pakarera ng taon ito ay ang 2019 Philracom ‘2nd Leg Juvenile Fillies and Colts’ Stakes Race at 6th Pasay-The Travel City Racing Festival sa Metro Turf Malvar, Batangas.
Lalahukan ng walong mananakbong kabayo ang 2nd Leg Juvenile Fillies and Colts na tatawid sa distansiyang 1,400 meters at may guaranteed prize na P1,040,000. Pangungunahan sa mga kalahok ang Batang Evalom, Carmela’s Fury, Exponential, Four Strong Wind, Kiwirose, Our secret, Prime time magic at Union bell.
Tatanggap ng P600,000 ang kampeon ang 2nd place ay may ng P225,000, mapupunta naman ang P125,000 at may P50,000 ang tatanghaling 4th place.
Samantala, kumpirmado nang 11 kabayo ang kalahok kabilang ang tatlong couple entry sa The Travel City Cup na may guaranteed prize na P700,000. Pangungunahan ng mga kalahok ang couple entry na Summer Romace at Truly Ponti, Certain to Win at ang ka-couple entry na Garantisado, Metamorphosis, Pangalusian Island ,Scarborough Shoal, Stella Malone, Und Kantar at Victorious Colt.
Tatawirin ng mga kalahok ang distansiyang 1,600 meters at tatanggap ng P420,000 ang magkakampeon, may P157,500 ang pangalawa, habang sa 3rd place ang P87,500 at may P35,000 ang 4th place.
Lalahukan ng Toy for the Big Boy, Shanghai Grey, The Accountant, Boss Emong at My Jopay ang 6th Pasay Rep.Tony Calixto Cu, na tatawid sa 1,600 meters na distansiya at naghihintay ang premyong P700,000 sa unang apat na makatatawid sa finish line. Samantala limang kalahok ang maglalaban sa 5th Former Pasay Mayor Eduardo ‘Duay’ Calixto Cup kabilang ang dalawang magka-couple entry. Ang mga kalahok ay pangungunahan ng magka- couple entry na Harapin Mo at To it’s Bing, ang magka-couple entry Mark of Excellence at Top Attraction, Miss Campbell, Queensboro at Union Run. May guaranteed prize na P300,000 ang unang apat na makatatawid sa finish line.





Comments