top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

VP Leni binastos, sa text lang sinibak at inalok ng puwesto ni P-Digong

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 31, 2019
  • 2 min read

PAGSIBAK AT PAG-ALOK NG WORK NA IDINARAAN LANG SA TEXT, PAMBABASTOS NG MALACAÑANG KAY VP LENI—Ang pagsibak noon ni P-Duterte kay VP Leni bilang Housing Czar ay idinaan lang daw ni ex-Cabinet Sec. Jun Evasco sa text na tanggal na raw ito sa puwesto at ngayong gustong bitawan ng pangulo ang war on drugs matapos sabihin ng VP na sablay daw ito ay tinext din ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si VP Leni na inaalok daw siya ng pangulo na maging anti-drug czar.

Ang ginagawang ‘yan ng Malacañang ay pambabastos sa VP kasi mantakin ninyo, tinext lang ito nang sibakin tapos nang alukin naman ng work ay tinext lang din ulit? Boom!

◘◘◘

SEN. LACSON, NAGPAPAPANSIN KAY P-DUTERTE, TODO-BANAT KAY VP LENI—Matapos sabihin ni P-Duterte na bibigyan niya ng ‘power’ si VP Leni para pamunuan ang ‘war on drugs’, marami ang nakiepal at kabilang na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson at kinutya si VP Leni na kesyo wala raw itong kakayahang labanan ang droga, sabay puri sa pangulo na ito (P-Duterte) lang daw ang may kakayahang sumugpo sa mga drug syndicates sa bansa.

Tila nagpapapansin si Sen. Lacson kay P-Duterte at nagbabakasakali na makuha niya ang endorsement ng pangulo sa 2022 Presidential Elections, he-he-he!

◘◘◘

PANGUNAHING PAGKAIN NG MGA MAHIHIRAP, GUSTONG TAASAN NG BUWIS—Para raw sa kalusugan ng publiko, humirit ang Department of Health (DOH) na taasan daw ang tax sa mga instant noodles at de-latang pagkain tulad ng sardinas.

Ang mga instant noodles at sardinas ang kadalasang inuulam ng mga mahihirap at dahil gusto nilang taasan ang buwis sa mga pagkaing ‘yan, parang sinabihan na rin nilang huwag nang mag-ulam ang mga mahihirap, boom!

◘◘◘

JUETENG NI “CONRAD”, UMARANGKADA NA SA QC—Nag-operate na raw ang raket na jueteng ni “Conrad” sa Cubao, Projects 2, 3 at 4 sa Quezon City.

Noong panahon ni dating Mayor Sonny Belmonte, walang jueteng sa QC, pero ngayong panahon ng anak niyang si Mayor Joy Belmonte, may jueteng na, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page