top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tulong ng mga taga-Luzon at Visayas, kailangan ng mga taga-Mindanao

  • Ka Ambo
  • Oct 31, 2019
  • 1 min read

Huling araw na ngayon ng Oktubre.

Nakapagrosaryo ba kayo kahit minsan?

◘◘◘

HALLOWEEN party na mamaya.

Mag-ingat ang mga “pogi”!

◘◘◘

NAGDURUSA ang mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Dapat sumaklolo ang mga taga-Visayas at Luzon!

◘◘◘

DAPAT may toka ang mga lalawigan sa Visayas at Luzon kung aling bayan ang sasaklolohan sa Mindanao.

Kapag dumanas ng ‘Big One’ ang Luzon — ang mga taga-VisMin ang tanging makakasaklolo sa kanila!

◘◘◘

HINDI makakasaklolo ang mga taga-Luzon kapag may malakas na lindol sa Luzon dahil lahat sila ay biktima.

‘Yan ang angkop na iskema ng pagtulong sa panahon ng ‘Big One’!

◘◘◘

DAPAT nating maunawaan ang lahat ay magiging biktima — kasama ang nagpraktis na mga rescuers na taga-Metro Manila kapag lumindol sa Kamaynilaan.

Ang sasaklolo sa trahedya ay mula sa mga lugar na hindi biktima ng lindol.

Simpleng sentido-kumon ‘yan, pero hindi naiisip ng mga eksperto!

◘◘◘

MAY tama ng ASF ang mga processed foods.

Ang kontaminadong pagkain ay hindi agad eepekto sa “kumain” nito, bagkus, sa katagalan pa mararamdaman!

◘◘◘

DAPAT nang ipagbawal ang baboy sa buong bansa upang mabilis na mapuksa ang ASF.

Dapat magdesisyon agad ang gobyerno bago mahuli ang lahat!

◘◘◘

MARAMI na ang nagpupunta sa sementeryo ngayong bisperas ng Undas.

Malaki ang tama ninyo!

◘◘◘

MABILI ang diyaryo sa araw ng Todos Los Santos.

Puwede kasing gamiting “higaan at upuan” sa nitso!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page